SALUDO AKO SA SUMULAT NITO!!!! TAMA LAHAT NG
SINABI!!!!
>
>
Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa
isang malaking
>korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na
importante pangalan ko
>kasi parepareho naman tayong mga
middle-class....trabaho 9-5, inom konti
>tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si
ate/kuya tapos tulog na,
>pag
>wala na pera intay nalang ng sweldo.
>
>Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng
sector ay maingay
>at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying
at productive Pinoys
>ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang
nagpapaikot sa bansang ito.
>Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan.
Kaya eto ang liham ko
>
>sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa
inyong bulag na
>pag-iisip.
>
>Sa Mga Politiko:
>
>Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na
ba kayo
>makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.
>
>Sa Administrasyon:
>
>Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo
sa eleksyon,
>pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng
people power, kaya
>sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at
magaling na pamumuno
>at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit
papano maramdaman
>naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming
buwis.
>
>Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na
tayo sa 2007,
>tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag
parliamentary na tayo,
>resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga
coup at people power
>laban
>sayo. Try mo lang.........
>
>Sa Oposisyon:
>
>Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao
ang nakikinig sa
>inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay
tangang mga excited
>na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning
e at naghahallucinate.
>
>Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa
administrasyon,
>pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit
sa liderato ngayon.
>Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman
kayo ipapalit na maayos.
>Advise lang galing sa isang middle-class na syang
tunay na puwersa sa
>likod ng lahat ng matagumpay na People Power,
magpakita muna kayo ng galing
>
>bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming
narinig sa inyo kundi
>reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi
magreklamo....para kayong
>batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP
naman...sa isip sa
>salita at sa gawa.
>
>Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na
katabi nyo ay mga
>bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo
at iempleyo ang mga
>rallyista para maging productive silang mamamayan.
Sige nga, pag
>nagrarally kayo
>yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong
nagrarally!! Nung
>People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
>
>Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic
lang, kami pang
>middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang
paghintayin ng 3 araw ang
>mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at
swelduhan ang mga yan.
>Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang
isama nyo....pero pagod na
>
>kami e, sori ha.
>
>Sa Military:
>
>Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may
problema, 2,000 plus
>na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason
naman, pero nakita nyo
>ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila
na sundalo.....yan
>dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi
may mga bagay na di
>kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga
nakatataas lang ang
>nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng
lahat ng military
>ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata
ang pinaka-mareklamo.
>Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
>responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat
at protektahan ang
>mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag
nagrereklamo kayo, kasi
>may baril kayo at tangke, kami wala.
>
>Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila
maingay na kusa
>e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman
silang email.
>
>Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang
email nalang tayo
>kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito
sa mga dapat makabasa
>
>nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
>
>Signed,
>
>Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na
binabawasan ang sweldo ng
>Buwis!
Tuesday, May 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment