Tuesday, May 19, 2009

Very Disturbing

Tuesday, May 19, 2009
DISTURBING STORY

Incidents of this nature we hear and read in the news.
Quite often, no matter how heart-breaking...we just
ignore and carry on. How can someone commit such a
horrendous act to a child? To make matters worse, you
would have never thought of this happening in the
Philippines, the land of most conservative and
deeply-rooted religious people...until you read the
following confession. True name of the victim
withheld to protect the innocent. Sometimes you think you
know the people that are close to you .but beware.
Please excuse the graphic nature of how this story is told
but I believe it is necessary to highlight the
important lesson within.

Huwag Po Itay!!!

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin
ng aking itay isang gabing Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa
lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin
ko
ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at huminging papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang
pinto.

Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos
niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako. ITAY, huwag,
huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!"

Nguni't parang walang narinig ang aking Itay.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang
pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag
mong
sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya
pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinagtinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking
sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking
Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita.
Magaling palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking
ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang
aking
boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis
na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,
BADONG

0 comments:

Post a Comment

 
Blogging Gets Any Better ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates